06
Apr
07

epekto ng cellphone sa mga jeepney drivers

Noong Sunday, habang nakasakay sa isang jeep papuntang Kabihasnan galing Sucat ay narealize ko ang  epekto ng cellphone sa ating mga jeepney drivers.  Ito ay nagsimula ng tanungin ng pasahero na mukhang isang driver din ang driver ng jeep na aking sinasakyan, Kumusta naman kita, brod. Ang sagot ng driver,  hindi kagandahan pare, kita mo naman hirap maghanap ng pasahero ngayon…  Tama nga naman, haba na ng  nilakad ng biyahe, dalawa pa rin kami nakasakay. .. Mainit daw kasi sabi ng driver ng jeep, sa halip na  mamamasyal ang mga mag anak, tumatahan na lang sa bahay. At isa pa mahal pamasahe, sabi ng pasahero, marami nagtitipid. Samantalang noong araw, nag-uunahan pa sa pagsakay ang mga pasahero pag Sunday. Iba na daw ang panahon ngayon…  OO nga naman, naisip ko… Tapos, biglang sinabi ng driver, kasi nauso pa ang mga cellphone. . .Ano naman kaya ibig nya sabihin?…  Kasi daw noong araw, ang mga kasamahin, mga tsimay, mga boy, mga yaya sa bahay, pag Sunday nagkikita-kita, kahit saan, binibisita nila isa’t isa, o kaya naggugrupo grupo sila sa Luneta. Ngayon, dahil sa cellphone na nga, meron ng mas murang paraan ng pakikipag-usap. Piso lang, isang text lang, pwede mo nang sabihing “inday, di na tayo matutuloy”. O di hindi ka na gagastos sa pamasahe. .. OO nga naman…Yung iba, nung araw daw, sasadyain sa bahay ang taong  gustong makita…ngayon, isang text lang, pwede mo na malaman kung ala ang taong sasadyain mo… Kaya naman daw nabawasan ang mga taong sumasakay sa jeep, sa bus, sa taxi, nabawasan ang mga taong nagbibiyahe.Nabawasan daw kita nila… At hindi lang daw eto tuwing Sunday, araw-araw na daw to, lahat naman kasi me cellphone na… Makes sense ba? Galing no?


3 Responses to “epekto ng cellphone sa mga jeepney drivers”


  1. February 26, 2008 at 3:34 am

    hi! just wanna ask if wat is the effect of using cellphone

  2. March 5, 2008 at 4:35 am

    oo nga naman! ;) at sa cellphone madami na din pwede manyari..

  3. September 13, 2009 at 7:41 am

    ang cp ay nakapagpawala ng correct grammar


Leave a Reply